Panalangin sa Panahon ng Trahedyang Dulot ng Lindol at Tsunami sa Bansang Hapon

This is a repost from Simbahang Lingkod ng Bayan.

Diyos Amang makapangyariahan at mapagmahal,

Dumudulog kami sa ngalan ng Inyong Anak na aming Tagapagligtas, Kristong Hesus. Namimintuho kami para sa aming mga kapatid na labis na nagdurusa dahil sa matinding kalamidad na idinulot ng mga paglindol at tsunami sa bansang Hapon.

O, Panginoon, para sa kanila na binawian ng buhay at sa kanilang naghihinagpis sa pagkawala ng kanilang mga kaibiga’t kaanak, Iyong awa ang aming hiling.

O, Panginoon, para sa kanilang sugatan at naghihintay pa ng tulong, paghilom at pagkalinga ang aming naisin.

O Panginoon, para sa kanilang nagbibigay tulong at tumutugon sa pangangailangan ng lahat ng mga nasalanta pati na rin sila na ang tungkulin ay ang paghahanap sa mga nasawi, patnubay, lakas ng loob at higit pang materyal at espirituwal na biyaya ang aming dalangin. 

O Amang mahabagin, alam namin na hindi Mo kami iiwanan at lilisanin. Kapiling ka namin magpakailan man, anumang pighati at trahedyang aming sapitin at harapin.

Ngayong panahon ng Kuwaresma, naway ang kaganapang ito ay magpasidhi pa ng aming pagititiwala at pananampalataya sa Iyo. Naway ang masaklap na pangyayaring ito ay maging paanyaya na kami’y makibahagi sa Iyong naisin na kami ay patuloy na tumugon nang bukas loob at walang pag-aalinlangan sa lahat ng mga nagdurusa at nangangailangan. Nawa’y higit pa kaming maudyok na makapagmahal nang walang kapalit upang sa gayo’y mabanaagan namin sa mga mukha ng aming kapwa ang mukha ng Iyong  Anak.

Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong Hesus na aming Tagapagligtas,

Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.